Tumakbo na ang aming sasakyan, nag-umpisa ng maging tahimik ang aming paglalakbay kung kaya't para hindi masabing nakakainip habang nasa sasakyan nagpaumpisa na ako ng kadaldalan para pansinin ang lahat ng mga nasa loob nito. Lalo na ang mga bagong estudyante na hindi pa gaanong nakikihalubilo sa amin dahil na rin siguro sa nahihiya silang kausapin ang bawat isa. naroon na din ang pagkuha ng mga litrato at pagsingit dito.
Pag-apak sa Ayala Museum pinapila na agad kami ng nagbabantay dito at pinapasok sa unang palapag. Pagkatapos kuhanin ng mga estudyante at mga guro ay tinipon kaming muli para sa pambungad na pananalita ukol sa mga bagay na pwedeng gawin at hindi, dahil dito iniwan namin lahat ng gamit namin.
Ang pang-apat na palapag muna ang aming pinuntahan ayon sa guide na mas maganda raw na mag-umpisa roon pababa. Tumambad sa akin ang malaking screen kung saan rumihistro dito ang panimula tungkol sa ating bayan. Sobrang nakakamangha ang mga nilikha ng ating mga ninuno at nakakabilib dahil sa mga impluwensiya ng iba't ibang lahi ay nagkaroon tayo ng ipagmamalaking sining. Pagkatapos ng palabas sa malaking panooran na yaon tumambad sa amin ang ilang piraso ng mga ginto na nahukay, ito'y inilawan na nakalagay malapit sa malaking panooran na tunay na mga ganito. Sa gilid ng isa pang pintuan ang mas marami pang nahukay na mga ginto na ang mga gintong ito ay sumisimbolo sa katayuan ng isang tao sa kanyang lipunan. May kasangkapan, gamit sa katawan, at pang-dekorasyon, na minsa'y iisipin mong parang mga papel lamang sa sobrang nipis. May mga nililok din rito na mga kahawig ng tao o mga diwata na kanilang sinasamba.
Sa pangatlong palapag naman makikita ang mga ipininta ng iba't ibang pintor na sila Juan Luna, Fernando Amorsol, at Fernando Zobel. Nakakatuwa ang ibang ipininta ng mga pintor dahil simpleng wasiwas ng kanilang pinsel ay nakabuo na sila ng obra maestra na ngayo'y ipinagmamalaki natin. Pinagtuunan ko lamang ng pansin ang mga ipininta ni Fernando Amorsolo dahil sa aking narinig na balita noon na ang mga ipinipinta raw nito ng pintor na ito'y 'di makatotohanan dahil ang tunay na buhay sa bukirin ay napakahirap. Ngunit dahil sa maling pag-sita sa amin ng isa sa mga bantay ay naiinis akong lumabas at naghintay sa iba sa labas para tumungo sa pangalawang palapag ng museo. Nagpasalamat pa sya ngunit ang tono ng pananalita nya ay masakit sa pandinig.
Matatagpuan sa pangalawang palapag ang mga dayorama ng makasaysayang Pilipinas simula sa mga katutubo natin na may sarili na talagang pamamaraan ng pamumuhay, sa pagpapalitan ng mga produkto sa mga Intsik, pananakop ng Kastila, pagdating ng mga Amerikano, at ang pagkakaroon ng matatagumpay na presidente ang ating bansa. Natuwa ako sa mga imahenng mga taong nasa katabi ng dayorama lalo na sa imahen ng ating pambasang bayani dahil napakatangkad niya dito na sa aking pagkakaalam ay nasa 4'9 or 4'11 lang siya. Ibig sabihin nauso na dati an g takong di lamang para sa mga babae kundi pati narin ang mga lalaki. Makikita mo rin dito ang mga litrato ng pamilya Aquino ng kasalukuyan siyang nakapiit at nasa ibang bansa bago pumanaw. Iyon ang huling makikita sa sa museo ng Ayala na makikita napakaganda kahit masalimuot ang ating nagpagdaanan.
Nagpahinga muna kaming ng lumabas sa Museo ng Ayala at dito ulit nagsama-sama ang mga magkakaibigan para sa pag-uusap tungkol sa nangyari sa loob at oras din ng pag-lilitrato dahil wala man lang kami ni isang kuha sa loob dahil pinagbabawal ang kamera doon. Litrato dito at litrato doon ang aming ginawa lalo na ako'y singit dito, nagawa ko ring magpalitrat na nakadiretso at nakadapa(plank) sa harapan ng aking mga kaeskuwela at guro. Bagsak kaming lahat pagdating namin sa aming sasakyan. Sobrang nakakapagod at nakakaantok ang paglalakad ng halos tatlong oras yata sa loob ng museo ngunit nakakaaliw naman. Napa-order tuloy ako sa isang fast food ng maraming lamang pagkain ang isang plato. Syempre pagkakain ko kasama si Carmela de Luna, Dave Wilson Librinca, at Patrick Tuason ay naglitrato na naman kami habang nasa kabilang lamesa sila G. Jason kasama si Reinniel at Camille. Dumaan din kami ni Carmela sa isang convenience store para buli ng pananggal suya at dumiretso n a sa aming sasakyan sa patungo naman sa pambasang museo.
Sa malaki at mataas din na Pambansang Museo makikita an g sining at kultura ng mga Pilipino. Ang daming natagpuang mga kasangkapan na natagpuan sa ilalim ng dagat at nahukay sa iba't ibang mga kuweba. Nagpapasalamat ako at ang iba pa dahl dito pwede ng kumuha ng litrato wag nga lang gagamitan ng flash dahil maari iyong makasira sa mga gamit. May bahay din ng mga katutubo akong nakita sa daan patungo sa pangalawang palapag ng gusali. Sa iba't ibang palapag ng gusali ay makikita ang mga paraan ng pamumuhay ng mga sinaunang Pilipino sa pamamagitan ng mga kagamitang matatagpuan sa loob ng gusali katulad ng mga instrumentong pang-musika, kagamitan sa pagsasaka, sa pangangaso, mga kasuotan ng mga maharlika, burial jar, mga jar na pinagtataguan ng mga ginto at iba pang mahalagang kagamitan, at mga kasangkapan na ginagamit sa hapag kainan. Sa pinakahuling palapag ng gusali makikita ang mga ipininta ng obra maestra ng mga Pilipino at ang mga hayop na sa atin lang matatagpuan, mga butiki, paru-paro, ibon atbp,.
Pagkatapos ng paglilibot sa loob ng gusali ng Pambansang Museo ay nagtungo na agad kami sa Intramuros na kung saan nilibot namin ang mga bahagi nito kasama na ang Cathedral, Fort Santiago, simbahan ng San Agustin kung saan dito namin ipinarad ang aming sasakyan. Lakad kami ng lakad kung kaya't kung saan-saan napadpad ang aming mga paa. Napadpad ako sa isang bahagi ng simbahan kung saan kahit hindi na inaayos ang bahagin g ito makikita pa rin ang pagiging matatag at magandang istruktura nito. Kahit noon pa ma'y gusto ko sanang mabuhay sa panahong ito at 'di ko mawari kung bakit dahil kahit na tayo'y alipin ng mga kastia noon ay gusto ko pa ring maranasan ang panahong ito at makahalubilo sila. Syempre i rin namin kinalimutang magpakuha at kumuha ng litrato sa makasaysayang pook na yaon.
Ang mag-hapon ng biyernes na iyon ay natapos ng makabuluhan kahit na mag-hapon kaming naglakad at nagkaroon din ang bawat isa na makapagsama-sama o makihalubilo sa iba't ibang tao. Maraming bagay talaga ang natutunan ng bawat isa sa paglalakbay na ito tungkol sa ating lahi, kultura, at sining. Sa paglisan sa lugar na ito ay pabaon nito ang nakalipas bilang isang tunay na Pilipino na hindi makakalimot sa aking pinanggalingan at sobrang saya ko dahil sa loob ng isang araw na ito ay marami talaga akong natutunan.